Natagpuang patay ang isang babae at dalawa niyang menor de edad na mga anak sa loob ng isang sasakyan sa Bgy. Talacsan, San Rafael, Bulacan, Huwebes ng hapon, August 20.
Kinilala ang mga biktima na isang 31-anyos ang babae, habang may edad 9-anyos at 4-anyos ang dalawang menor de edad, residente ng Baliwag City, Bulacan.
Batay sa paunang ulat mula sa San Rafael Municipal Police Station, 2:11 ng hapon nang makarating sa kanilang istasyon ang ulat na may isang abandonadong sasakyan sa nasabing barangay.
Kulay silver ang sasakyan na nakaparada sa isang bakanteng lote.
Nang silipin ang loob ng sasakyan, doon tumambad sa mga awtoridad ang bangkay ng tatlong biktima na nasa likod ng MPV.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na huling nakita ng ama ang mga mag-iina niya 5:00 ng hapon noong Miyerkules, August 19.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM

