Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang pitong indibidwal dahil sa kasong kidnapping for ransom sa 78-anyos na babae.
Ipinataw ng Quezon City Regional Trial Court Branch 225 ang parusang reclusion perpetua, o hanggang 40 taong pagkakakulong nang walang posibilidad ng parole, matapos mapatunayang guilty ang mga indibidwal.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), dinukot ang biktima sa Biak na Bato Street at dinala sa Bacoor City at Laurel, Batangas noong Setyembre 2025.
Una umanong P500 milyon ang hinihinging ransom ngunit napababa sa P8.1 milyon matapos ang negosasyon.
Kahit naibigay na ang ransom noong Setyembre 7, nanatiling bihag ang babae hanggang sa kanyang pagsagip noong Setyembre 11.
Samantala, apat na akusado ang napawalang-sala nang hindi mapatunayan ang kanilang pagkakasala ‘beyond reasonable doubt’.

Share.