Pinaputukan ng hindi pa nakikilalang suspek ang sasakyan ng isang Municipal Councilor ng Rajah Buayan, Maguindanao Del Sur, habang binabaybay ang National Highway 11:00 ng umaga sa Purok Kaunlaran, Barangay Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat nitong Lunes, Agosto 17.
Papunta sana sa Rajah Buayan para sa kanyang opisyal na tungkulin si Bin-Nazriff Buayan Silongan, 40-anyos, kasama ang kanyang kasamang si Mohammad Widzerauff Buayan Silongan, 42-anyos.
Sa halip na huminto, agad na tumakas ang dalawa sakay ng kanilang grey na pick-up at nagtungo sa Sultan sa Barongis Police Station para humingi ng tulong.
Walang nasugatan sa dalawang biktima, gayunman, nagtamo ng mga tama ng bala ang kanilang sasakyan.
Agad namang nagsagawa ng Hot Pursuit Operations ang pulisya para matunton ang hindi pa nakikilalang suspek na tumakas patungo sa hindi malamang direksyon at king ano ang motibo sa pamamaril.

Share.