Sa kabila ng nangyaring pananambang sa convoy ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, sinabi ng Commission on Elections na wala itong plano na isailalim sa kanilang kontrol ang Datu Odin Sinsuat.
Sa naging panayam kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bagamat maituturing na election related violence ang nangyari…kumpiyansa siya na hindi na ito mauulit at magiging panatag ang mga residente ng BARMM sa nalalapit na parliamentary elections.
Aniya, hiningi na nila ang tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagbabantay ng seguridad para naka-antabay lang sila upang hindi maalarma o mangamba ang publikosa BARMM.
Aniya, limang persons of interest ang kanilang tinututukan kaya’t hinihintay nila ang resulta ng imbestigasyon.
Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda sa BARMM elections kung saan unti-unti na rin ipinapadala ang mga kagamitan may kaugnayan sa halalan.
Sinigiuro at umaasa rin ang opisyal ng Comelec na magiging maayos, tahimik at walang magiging problema ang halalan
Kaugnay nito, nakahanda naman ang Comelec na magpadala ng ilang securoty forces sa BARMM kung kakailanganin base sa napag-usapan sa isinagawang commamd commamd conference kasama ang ilang ahensiya nh pamahalaan.
Trending
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
- Topacio at Ogei bati na
- Netizens kinulit si Pia

