Grateful si Marian Rivera sa maganda at makabuluhang buhay sa kanyang ika-42 birthday.
Sa kanyang Instagram account, nagpost si Marian ng pasasalamat sa kanyang ‘Chapter 42’.
“Grateful for this beautiful, meaningful life—and most of all, for the people who fill it with so much love. My heart is full,” mensahe ni Marian.
Nauna rito, maagang nag-celebrate ng kanyang birthday si Marian kasama ang mga batang benepisyaryo ng Smile Train Philippines.
Sa kanyang Facebook post, nagbahagi ng video si Marian kung saan makikitang nakasama nito ang mga bata.
“Another birthday, another beautiful day with my Smile Train family. Year after year, their smiles remind me why this will always be one of the most meaningful ways to celebrate,” ayon kay Marian.
====

Share.