Kinumpirma ng De La Salle University (DLSU) sa Maynila na isang incoming student nila ang umano’y nahulog mula sa hindi pa natutukoy na palapag sa isang gusali sa loob ng kanilang campus.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 13, kinumpirma ng La Salle ang naturang insidente.
“De La Salle University confirms that an incident occurred today involving an incoming student who fell from a building on the Manila campus,” anang unibersidad.
Saad pa nila, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga awtoridad at maging sa mga magulang ng sangkot na estudyante.
“DLSU has reached out to the parents of the student and are coordinating with the authorities,” anang La Salle.
Isinailalim na rin umano ang ilang estudyante sa counseling at nakiusap din ang unibersidad hinggil sa komento ng publiko sa nangyaring insidente sa loob ng kanilang paaralan.
“Out of respect for the student and the family’s privacy during this sensitive time, we request for the public’s cooperation in maintaining a supportive and compassionate environment,” saad pa nila.
Samantala, masusing iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang insidente.
Sa ulat ng MPD, isang concern citizen ang nag-report sa mga security guard ng Female Athletes Dorm DLSU na matatagpuan sa F.Reyes Street na may isang babaeng nasa gilid ng palapag ng gusali.
Agad namang tumugon ang sekyu na sina SG Rey Cadag at SG Homer Danielis kung saan inabutan ang biktima na nasa delikadong posisyon sa naturang bahagi ng gusali.
Nagulat na lamang ang naturang mga sekyu nang bilang gumulong at nahulog ang biktima sa ibaba.
Agad ding sinuri ang biktima ng rumespondeng doktor sa pinangyarihan ng insidente nguni’t idineklara na itong dead on the spot.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet

