Muling pinag-usapan ng fans at netizens si Sarah Geronimo matapos lumabas ang bagong larawan niya sa social media na agad nagpasiklab sa espekulasyon tungkol sa kanyang personal na buhay.

Ibinahagi ng isang Korean hair salon sa BGC ang bagong hairstyle ng Popstar Royalty, na agad namang pinuntahan ng kanyang supporters.

Marami ang pumuri sa bagong gupit ni Sarah at nagsabing bagay na bagay ito sa kanya.

Pero bukod sa hairstyle, ibang bagay ang mas pinagtuunan ng pansin ng ilang netizens.

Dahil sa suot na maluwag na puting polo ng singer-actress, pilit na hinahanapan ng ilan ng umano’y baby bump ang kanyang tiyan. Pagbubuntisat Pagdadalang-tao

Kasunod nito, muling nabuhay ang mga haka-hakang nagdadalang-tao si Sarah, lalo na’t napansin din ng publiko ang pagiging malapit niyang muli sa kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Gayunman, wala namang kumpirmasyon mula kay Sarah tungkol sa naturang pregnancy speculation.
====

Share.