Inaresto ng National Bureau of Investigation-Central Visayas (NBI-7) ang isang lalaki sa isang entrapment operation sa loob ng isang mall sa Mandaue City, Cebu noong Agosto 3 dahil sa umano’y pagkakasangkot sa multi-milyong fuel scam.
Ayon sa NBI-7, ang suspek ay taga-Liloan, Cebu at may dalawa pang kasabwat na pinaghahanap pa.
Nagreklamo ang isang negosyante na nabiktima umano siya ng syndicated estafa matapos magbayad ng P5.3 milyon para sa 100,000 litro ng diesel fuel.
Inalok umano ang negosyante ng diesel sa halagang P53 kada litro, mas mababa kaysa sa P88 kada litro, at nagbayad siya noong Hulyo 26.
Lumipas ang mga linggo ngunit walang naideliver na diesel. Nang makipag-ugnayan siya sa mga suspek, hiningan pa siya ng dagdag na P575 milyon dahil umano sa pagtaas ng presyo ng langis.
Nag-alok ang negosyante na P100,000 na lamang ang maidadagdag niya, at pumayag ang mga suspek. Gayunman, wala pa ring naideliver na diesel kaya humingi siya ng tulong sa NBI-7.
Naaresto ang suspek sa isang coffee shop sa mall sa Mandaue kung saan siya nakipagkita sa negosyante para kunin ang karagdagang bayad.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet

