Kulong ang isang mister na kasama sa Regional Most Wanted Person hinggil sa patung-patong na kasong panggagahasa sa sarili nitong anak na ikinabuntis pa nito sa isinagawang warrant operation.
Naaresto ng ang suspek na kinilala sa alyas “Jessie,” nasa hustong gulang, nasa Rank no 6 Most Wanted Person, ng mga operatiba ng mga units ng ng Police Regional Office 4-A, ayon sa ulat.
Base sa ulat, nasukol ang suspek sa Edsa Corner Edang Street sa Brgy. 151 Pasay City kung saan ito nagtago.
Bitbit ng grupo ang 7 Warrant of arrest para sa mga kasong Qualified rape at walang inirekomendang piyansa.
Sa pagsisiyasat, paulit-ulit na pinagsamantalahan ng suspek ang sarili nitong anak na babae sa loob ng maraming buwan na nagbunga ng pagbubuntis kung saan nanganak pa ito.
Dahil sa pangyayari, nagkasakit ang biktima at nadiskubre na may Psychological Evaluation na ito at nagkaroon na rin ng Complex Post Traumatic Stress disorder, major Depressive Disorder at Dissociative Features dahil sa kanyang sinapit.
Kasalukuyan ng nakakulong ang suspek sa Gen. Trias Police Station.

Share.