Nanatiling determinado si boxing legend Manny Pacquiao na matutuloy ang kaniyang inaabangang rematch laban kay Floyd Mayweather Jr., sa kabila ng pagpapaliban ng kanilang laban na una sanang itinakda ngayong taon.
Sinabi ni Pacquiao na itinulak sa unang bahagi ng 2027 ang laban dahil sa naunang mga nakatakdang commitment ni Mayweather, kabilang ang isang exhibition fight.
“Mayweather will have an exhibition [fight]… but our match next year will be a pro fight,” ani Pacquiao.
Nilinaw rin ng walong dibisyong world champion na ang kanilang muling paghaharap ay magiging isang opisyal na professional boxing match at hindi exhibition bout.
Nauna nang inihayag ng kampo ni Pacquiao na nagsisikap silang makapag-ayos ng isang non-professional fight para sa dating senador bago matapos ang taon.
Gayunman, iginiit ni Pacquiao na ang laban nila ni Mayweather ay mananatiling isang lehitimong propesyonal na bakbakan.
Huling lumaban si Pacquiao bilang propesyonal noong Hulyo 19, 2025, nang magtapos sa draw ang kaniyang laban kontra WBC welterweight champion na si Mario Barrios sa Las Vegas.
Samantala, ang matagal nang inaabangang rematch nina Pacquiao at Mayweather, na una sanang susuportahan ng streaming platform na Netflix, ay naantala matapos masangkot si Mayweather sa isang breach-of-contract lawsuit na isinampa ng CSI Sports Events.
Matatandaang nauna na ring umugong ang panig ni Mayweather na nagsasabing tanging exhibition match-up lang daw ang muli nilang paghaharap ni Pacman.
Trending
- Marcoleta ‘di nagpasok ng ‘plea’ sa kaso sa Sandigan
- 30 pang flood control cases, isasampa – NBI
- Meralco inatasan ng ERC; P9.5B i-refund sa mga consumer
- Pagpapaliban ng BSKE isinusulong
- Pinas ika-65 na pwesto sa impunity index
- DOLE nag-isyu ng guidelines sa mga bata sa entertainment industry
- 400K-500K benepisyaryo nasa waitlist ng 4Ps
- Koleksyon ng Port of Clark lampas sa target ng P104M

