Pumanaw na ang dating Zamboanga del Norte representative na si Romeo Jalosjos Sr., ayon sa anunsiyo ng kanyang anak na si Seth Frederick “Bullet” Jalosjos nitong Linggo, Agosto 2.
“It is with profound sorrow and heavy hearts that our family announces the passing of our beloved father, Romeo “Nonong” Garcia Jalosjos,” pahayag niya.
Inilarawan niya ang kanyang ama bilang isang lider, negosyante, media personality at lingkod-bayan na naglaan umano ng kanyang buhay sa pagtulong sa mga mamamayan ng Zamboanga del Norte.
Dagdag pa niya, “To us, he was simply Dad – our source of strength, our protector, our greatest teacher, and the heart of our family. His wisdom, generosity, resilience, and unconditional love shaped who we are and will continue to guide us for the rest of our lives.”
Isasagawa ang burol ni Jalosjos Sr., sa The Heritage Park sa Taguig City mula Agosto 3 hanggang 5.Pagkatapos nito, ililipat ang kanyang labi sa Gloria de Dapitan Complex sa Dapitan City mula Agosto 6 hanggang 12.
Naging kontrobersiyal ang pangalan ni Romeo Jalosjos dahil sa kasong panggagahasa na isinampa laban sa kanya.Taong 1997, nahatulan si Jalosjos sa kasong rape sa isang 11-anyos na babae.
Hinatulan siya ng reclusion perpetua nang mapatunayang nagkasala.
Opisyal na nakalaya si Jalosjos mula sa New Bilibid Prison noong Marso 2009 matapos makulong ng humigit-kumulang 13 taon dahil sa accumulated good conduct time allowances.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

