Natagpuang wala nang buhay ang isang call center agent sa isang liblib na bahagi ng Upper London A, Barangay Bawing, General Santos City, noong Hulyo 31, 2026.
Kinilala ng kanyang pamilya ang biktima na si Jobert Gabaleo.
Ayon sa kanyang ina na si Bernadeth Gabaleo, umalis ang kanyang anak ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang tinutuluyang boarding house sa Barangay Tambler.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, wala silang nakitang palatandaan ng foul play sa lugar ng pinangyarihan.
Mayroon ding natagpuang sulat na pinaniniwalaang iniwan ng biktima para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Patuloy pa ring isinasagawa ng mga kinauukulan ang kaukulang imbestigasyon upang matukoy ang kabuuang pangyayari, habang inihahanda naman ng pamilya ang pagpapalibing sa labi ng biktima.
Nagpaabot ng pakikiramay ang komunidad sa naiwang pamilya at mga kaibigan ng biktima.
Trending
- ALEX EALA KAMPEON SA WTA 500
- Call Center Agent, natagpuang patay sa liblib na lugar
- 5 sasakyan inararo ng Army crane truck: 14 sugatan
- Rider todas sa salpukan ng bus at motorsiklo:
- Tulak habambuhay kulong
- Pinoy seafarer patay sa pag-atake sa Black Sea
- Pastor patay sa ambush
- Paras wala pang natatanggap na subpoena mula NBI

