Nasawi ang limang katao sa sunog na sumiklab sa isang boarding house sa Sinalyasi Street, Barangay 8, Caloocan City Linggo ng madaling araw, Agosto 2.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, kabilang sa nasawi ang isang 11-buwang gulang na sanggol.
Naunang iniulat sa apat ang bilang ng nasawi.
Sa ulat ng BFP, na-trap ang mga biktima sa nirerentahang bahay dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy dahilan upang hindi na makalabas ang mga ito.
Umabot sa unang alarma ang sunog pasado alas-dose ng hatinggabi bago ideklarang fire out ang sunog 2:04 ng madaling araw.
Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang nagpapatuloy din ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng sunog at lawak ng pinsala.
====
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

