Nahaharap sa panibagong usapin sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng ‘It’s Showtime’ dahil sa mga natanggap na sumbong kaugnay ng “Memerimar” skit ng ‘Laro Laro Pick’ segment noong July 24, 2026.
Ipinatawag ng MTRCB ang mga producers ng ‘It’s Showtime’ dahil sa naging isyu sa ‘lugaw’ scene na kinasasangkutan ng magdyowang sina Vice Ganda at Ion Perez.
Nakatanggap umano ng mga reklamo ang MTRCB sa mga “inappropriate na eksena, at racially insensitive at colorist na komento” sa naturang episode.
Dahil dito, inutusan ng MTRCB ang GMA Network Inc at ABS CBN Corporation bilang producers ng naturang noontime show na dumalo sa hearing na gaganapin ngayong Miyerkules, July 29.
Nauna rito, noong July 25 episode ng ‘It’s Showtime’ ay nag-public apology si Vice Ganda matapos makarating sa kanila ang mga pambabatikos ng publiko.
====
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France

