Binaril ang dating Brgy Secretary ng Brgy, Poblacion Sta. Maria Bulacan nitong Huwebes madaling-araw ng Hulyo 30,2026.
Sa report na tinanggap ni PLt.Col.Louie Sigua, na isugod at na operahan pa sa Bocaue specialist Hospital ang biktimang nakilalang si Stephen Pagmanua Enriquez, 38-anyos, binata at isang guro residente ng No. 10, 211st Century St., Ville, Brgy. Poblacion.
Subali’t makalipas ang halos dalawang oras binawian din ito ng buhay, bunsod ng 2 tama ng bala mula sa cal 45 baril, sa likod .
Base paunang imbetigasyon nag-iisa lang ang suspek na nakasuot ng kulay puting Bull cap na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.
Base report ng PNP mula sa kapatid ng biktima na si alyas Jam, una na syang nakarinig ng putok ng baril, kung saan agad nyang pinutahan ang pinanggalingan ng putok ng baril at nakita nya ang kapatid sa labas ng kanilang tahanan na duguan at sumisigaw ng tulong.
Samantala, inaalam na ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang habang nagsasagawa ng follow up operation ang mga pulis at CCTV backtracking sa lugar.
====
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader

