True kaya na hanggang ngayon ay may iringan pa rin sa pagitan nina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia? MgaSoutheast Asian at Pacific Islander
Muling nabuhay ang naturang isyu matapos mapansin ng mga netizens ang kani-kanilang cryptic posts sa social media na iniuugnay ngayon sa isa’t isa.
Matagal nang may mga espekulasyon na may hindi magandang samahan ang dalawang dating SexBomb Girls members, ngunit nananatili silang tikom ang bibig hinggil sa isyu.
Isa sa mga naging dahilan ng muling pag-init ng usapan ang post ni Jopay na nagsasabing: “Don’t play with me. I know the difference between what you show and who you really are.”
Samantala, nagbahagi rin si Rochelle ng selfie sa kanyang Instagram Story na may maikling caption na: “Kawawa yarn?”
Mas lalo pang naintriga ang mga netizens nang mapansing wala si Jopay sa dance cover ng “Mama Mama,” ang bagong single ng SexBomb.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag sina Rochelle at Jopay upang linawin kung may kaugnayan nga ba sa isa’t isa ang kanilang mga cryptic posts.
====
Trending
- Rochelle, Jopay may parinigan sa isa’t isa?
- Rabiya at Jake apaw ang sweetness
- Vice Ganda binatikos
- Pagsasaayos ng Rizal baseball stadium nang 100 araw
- Mas magandang kinabukasan para sa football ng Pilipinas
- Gr. 8 honor stude, buking na utak sa online threats sa N. Ecija school
- Higit 2,000 kaso ng dengue, naitala sa Maynila
- PNP: SONA 2026, mapayapa at maayos; 51 isinelda

