Arestado ang 35-anyos na babae nang salakayin ng CIDG Batangas Provincial Field Unit, katuwang ang Batangas Police Provincial Office, 2nd Provincial Mobile Force Company, Food and Drug Administration (FDA), at Bauan Municipal Health Office, ang isang pasilidad sa Brgy. Cupang, Bauan, Batangas.
Ayon sa CIDG, nahuling nagbebenta ang suspek ng mga produktong cooking oil na walang rehistro sa FDA at ang pasilidad wala rin lisensya bilang food manufacturer, distributor, o trader, na paglabag sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.
Ayon sa report ng CIDG Batangas Provincial Field Unit, nasamsam ang mga bote ng umano’y hindi rehistrado at walang label na cooking oil, mga tangke ng langis, refilling machine, timbangan, at isang Isuzu Elf truck na ginagamit sa pagdedeliver ng nasabing produkto. Tinatayang aabot sa P2.500,000. ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang ebidensya.
Nagbabala naman ang FDA sa mga bumibili at gumagamit ng hindi awtorisadong mga cooking oil na maaari itong magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan dahil maaaring naglalaman ito ng mga mapanganib na kemikal o iba pang kontaminadong sangkap.
Hinikayat din ng mga awtoridad ang publiko na tiyaking may FDA Registration Number ang binibiling cooking oil at iwasan ang mga produktong walang label o kahina-hinalang mura. Maaari ring gamitin ang FDA Verification Portal upang beripikahin ang mga produkto at iulat sa CIDG ang mga nagbebenta ng hindi rehistradong pagkain at iba pang consumer products.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos

