Engaged na si Yassi Pressman sa nobyo niyang si Camarines Sur Second District Rep. Luigi Villafuerte.
Sa kanilang mga Instagram accounts ito ipinost ng magkasintahan.
Three years nang tumatakbo ang kanilang relasyon.
Ang tsika, surprise outdoor proposal ang ginawa ni Luigi sa aktres.
Open area ‘yon na may naka-set up na mesa.
Sa video, makikitang nakaluhod si Luigi habang humahagulgol si Yassi nang ilabas ng nobyo ang isang singsing.
Malaking diamond ring ‘yon na isinuot ni Yassi shortly after the proposal.
Siyempre, kasunod na nito’y ang mga detalye ng kanilang pag-iisang-dibdib.
Si Yassi ay kapatid ni Issa na nobya naman ni James Reid.
===
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos

