Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaking nagpoproseso ng mga pekeng birth certificate sa Quezon City, kung saan ginagamit pa nito ang mga papel, tinta, at QR codes ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa ulat ng NBI nitong Biyernes, Hulyo 24, sa isinagawa nilang entrapment operation noong Miyerkules, Hulyo 15, hiningi ng suspek ang pangalan, petsa at lugar ng kapanganakan, at pangalan ng ama at ina ng agent, na ilalagay sa pekeng birth certificate, kapalit ang halagang P5,000 kada kopya.
Bilang “downpayment,” nag-order ng dalawang pekeng birth certificate ang agent sa halagang P1,000 at ipinadala ito sa Gcash number ng suspek.
Matagumpay na inaresto ng Counter Terrorism Division (CTD) ng NBI ang suspek matapos nitong ibigay ang dalawang kopya ng birth certificate at tanggapin ang marked money.
Samantala, nilabag ng suspek ang Artikulo 172 ng Revised Penal Code o ang Falsification of Public Document by Private Individual na may kaugnayan sa Artikulo 191.
=====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

