Sikat in a bad way ngayon si Ivana Alawi.
Sikat in the sense na may libreng pa-iPhone 17 siya na 100 piraso!
Ibinida nga ng actress-vlogger ang pagbili niya ng 100 units out of her personal money for her followers.
Aniya, first time daw niyang mamili nang ganoon karaming units ng iPhone 17.
Pinaghandaan daw ni Ivana ‘yon na umabot sa halagang P4-5M.
Kanya-kanyang request ng gustong kulay ang mga papalaring mapili.
Pero hindi ito ang catch.
Isa kasi sa mga criteria para makasali–dapat naka-follow sa ineendorso niyang online gambling site.
Eto ang ilang comments: “Anong trip mo, Ivana? Bakit nagpo-promote ka ng sugal? Sobrang yaman mo na, nakuha mo pang mag-promote ng sugal!?! Kapal ng mukha mo!”
Can afford daw mamigay ni Ivana ng mamahaling phone vis a vis mga buhay na masisira niya dahil sa sugal.
“Peste ang sugal! Nakakasira ng pamilya ang sugal! It’s a road to hell!”
“Please stop using your platform influencing people to gamble. Wala nang sugal, Ivana!”
Forty eight million followers nga naman meron si Ivana, but to encourage gambling?
===
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

