Hindi pinaligtas ng mga basher ang doktorang misis ni Baron Geisler matapos ang negatibong komento nito sa isang post ng aktor.
Nag-umpisa ang lahat nang mag-comment ang misis ni Baron na si Jamie Evangelista sa post ng aktor habang nagpapa-facial treatment na bahagi ng endorsement nito:
“Find a drug rehabilitation sponsor who can help you address the root cause of your problems,” komento ni Jamie.
Sinundan pa niya ito ng “I doubt a facial can heal that.”
May nag-screenshot naman ng naturang komento ng misis ni Baron kaya kumalat sa online na muling nagbabalik-bisyo ang aktor.
Subali’ batay sa mga naglalabasang tsika, hindi lamang si Baron ang tinitira ng mga mosang kundi pati ang mga misis nito dahil sa sinindihang intriga laban sa kanyang mister.
Sey ng mga netizen:
“Alam kong may problem si Baron pero bkit nya kailangan gawin o sabihin sa public? Paninira tuloy dating nya.”
“Diba asawa nya is his therapist or counselor ba yun? Di na cguro kinaya ni ate…”
“Sana naman kung ganitong comment iprivate nalang. Sorry ha, asawa ka at as much as possible di mo na ibabandera or at least masiraan ang sira or problema.”
“eto namang asawa ni Baron tuwing magkaka issue post ng post, tapos a month or so k na sila uli, psychiatrist sya pero bakit ganyan ang handling sa sitwasyon?”
“paka unprofessional ni girl sa part na yun jusko.”
“It looks like JE married BG’s fame and glory but not the man.”
====
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial

