Iprinesenta sa impeachment trial nitong Martes, Hulyo 21, ang isang video kung saan maririnig si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na nagsabing kailangan lamang umano nila ang “ulo” ni Pangulong Bongbong Marcos.
Iniharap ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang naturang video at binanggit ang pahayag ng nakababatang kapatid ng bise presidente na ginawa umano sa isang political gathering.
Ipinakita ang video sa harap ng mga senator-judge bilang bahagi ng mga ebidensiyang iniharap ng prosekusyon.
Ayon kay Matibag, itinuturing na ng ahensiya ang umano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Marcos bilang isang seryosong banta at usapin ng national security.
====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

