Sa kabila ng sunod-sunod na intriga na kinakaharap, patuloy namang umaani ng napakalaking engagement sa social media si Heart Evangelista dahil umabot na umano sa mahigit 100 million views ang kanyang mga video tungkol sa Paris Fashion Week.
Ipinagmalaki ito ng kanyang mga supporters na nagsabing bukod sa milyon-milyong views ay dagsa rin ang likes, comments, at shares na natatanggap ng bawat post ng actress-fashion influencer.
Ayon sa kanyang fans, malinaw na patunay ito na patuloy na inaabangan ng publiko ang bawat update ni Heart, lalo na kapag dumadalo siya sa mga international fashion events.
Dagdag pa nila, hindi lang basta glamor ang hatid ng kanyang content dahil marami rin umanong natututunang fashion tips at nalalaman tungkol sa mga bagong trend sa kanyang Facebook at Instagram posts.
Para sa kanyang supporters, kabilang si Heart sa iilang Filipino personalities na regular na naimbitahan sa ilan sa pinakamalalaking fashion events sa mundo kasama ang iba’t ibang international celebrities. MgaSoutheast Asian at Pacific Islander
Kaya naman, imbes na patulan ang mga intriga at pambabatikos, mas pinipili umano ng aktres na ituon ang kanyang oras sa trabaho at sa patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na content para sa kanyang followers.
Matapos ang sunod-sunod na fashion commitments sa Europe, nakabalik na rin sa Pilipinas si Heart upang ipagpatuloy ang kanyang iba pang proyekto.
====

Share.