Humarap na sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong umaga ng Lunes, Hulyo 20, ang nag-viral na traffic enforcer dahil sa kaniyang pag-counterflow sa EDSA bus lane noong nakaraang Sabado, Hulyo 18.
Kinilalang si Traffic Aide I Jeffrey Tablan, ibinahagi niyang nataranta siya umano dahil sa pagtawag ng kaniyang asawa tungkol sa kanilang anak na nahirapan umanong huminga dahil sa butas nito sa puso, kaya niya nagawang sumingit sa bus lane, na nagdulot ng pagkaantal sa daloy ng trapiko rito.
Gayunman, inamin naman ni Tablan na nakainom siya nang nag-counterflow siya sa bahagi ng EDSA White Plains.
Sa kabila ng mga naging paglabag sa batas trapiko, si Tablan ay humingi ng tawad sa publiko at aniya, handa siyang harapin ang mga parusang maaaring ipataw sa kaniya.
Saad naman ni MMDA Gen. Manager Usec. Nicolas Torre III, hindi nila palalagpasin at naging paglabag ni Tablan sa batas trapiko.
Kaya bagama’t 22 taon na sa serbisyo ang traffic enforcer, isa sa mga maaaring iapela rito ay dismissal sa kaniyang puwesto dahil sa grave misconduct.
Matatandaan ding sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Tablan, habang ang kaniyang motorsiklo ay nilagyan ng alarm status habang umaandar ang imbestigasyon sa kaniyang kinasasangkutang insidente.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

