Magbabalik ang International Pet Summit (IPS) Philippines 2026 sa Hulyo 24 hanggang 26 sa SMX Convention Center Manila, matapos ang matagumpay na edisyon nito noong 2025.
Pinangungunahan ng PVDA Foundation, Inc. at Philippine Veterinary Drug and Nutrition Association (PVDNA) ang tatlong araw na pagtitipon na naglalayong isulong ang responsableng pag-aalaga ng alagang hayop.
Noong 2025, mahigit 27,000 katao ang dumalo sa IPS, na kinilala bilang isa sa pinakamalalaking pet events sa Pilipinas at Asya.
Kabilang sa mga tampok sa IPS 2026 ang libreng konsultasyon, bakuna at diagnostic services para sa mga alagang hayop, mga seminar tungkol sa tamang pag-aalaga at nutrisyon ng mga alaga, mga talakayan ng pet behavior experts, animal welfare advocacy activities, giveaways, raffle, pet fashion show, at iba pang interactive na aktibidad para sa mga pet owners at kanilang mga alaga.
Bukas ang summit sa publiko at inaasahang dadaluhan ng mas maraming exhibitors, veterinary professionals, animal welfare groups, at pet lovers ngayong taon.
Ayon kay Dr. Corazon Occidental, pangulo ng PVDA Foundation, Inc., layunin ng International Pet Summit na palakasin ang responsableng pet ownership, animal welfare, at pakikipagtulungan ng mga pet owners, beterinaryo, at iba pang organisasyon para sa kapakanan ng mga alagang hayop.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

