Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 27 ang naitalang nasawi dulot ng habagat at Bagyong Inday.
Sa Sarangani ay naitala ang 10 indibidwal, 7 sa Lanao del Sur, 4 sa Davao Occidental, tig-dalawa sa Zamboanga Sibugay at Bukidnon at tig-isa sa Iloilo at Zamboanga Del Sur; habang 7 ang naiulat na injured at 13 ang naitalang nawawala.
Samantala, nasa higit isang milyong indibidwal o higit 250,000 pamilya ang naitalang naapektuhan ng nasabing habagat at bagyo.
Nasa higit 3,000 namang mga pamilya ang naitalang nasa loob ng 60 evacuation centers sa bansa.
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial

