Game na game si Nadine Lustre na makasama sa isang proyekto si Kathryn Bernardo.
Sa guest appearance ni Nadine sa isang online show, inamin ng aktres na bukas siya sa posibilidad na makatrabaho ang box-office actress sa isang pelikula.
Ayon kay Nadine, mas exciting na ngayon ang industriya dahil hindi na nakakahon ang mga artista sa iisang love team.
“It’s great na this time around, parang hindi na nakakahon yung mga artista sa loveteam or sa isang partner lang. I guess what makes projects excting is the people I work with,” ani Nadine.
Dagdag pa niya, mas gusto niyang makatrabaho ang iba’t ibang artista upang makapagbigay ng bagong timpla sa bawat proyekto.
“Para at least, this time around hindi na siya paulit-ulit, it’s always a different flavor and feels more collaborative,” saad niya.
Nagbahagi rin si Nadine ng kanyang karanasan sa pagiging bahagi ng isang love team noon.
“It’s hard, because you don’t know what this is anymore. Like, you get to a point na where you’re always together,” ani Nadine.
Ipinaliwanag din niya ang pressure na nararanasan ng mga artistang kabilang sa love team.
“You have this pressure na you can’t be really seen with another guy or kahit friend mo kasi you don’t wanna hurt the loveteam, the fans, you don’t wanna disappoint people,” dagdag niya.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

