Nasagasaan ng isang van ang 89-anyos na lalaki habang tumatawid sa pedestrian lane sa harap ng Claro M. Recto District Hospital sa Infanta, Quezon, noong umaga ng Linggo, Hulyo 12.
Ang biktima, residente ng Sitio Masla, Barangay Sablang, General Nakar, Quezon, ay outpatient sa nasabing ospital at papunta lamang sa isang karinderya sa kabilang panig ng kalsada upang bumili ng pagkain nang mabundol ng van.
Hindi naman daw ito nagpaalam sa kanyang kasama ng ito ay lumabas sa hospital waiting area.
Base sa kuha ng CCTV, tumingin muna sa kaliwa at kanan ang biktima bago tumawid ngunit biglang sumulpot ang van kaya hindi na niya naiwasan ang pagkabangga.
Dahil sa lakas ng impact, nasaktan ang tadyang ng biktima at namaga ang kanyang mukha.
Tuluyan na itong hindi pinauwi ng ospital at na-confine kung saan idadaan pa sa X-ray at CT scan upang masiguro ang kanyang kalagayan.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

