Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police ang apat na indibidwal sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation sa Barangay Alicante, E.B. Magalona, Negros Occidental noong Miyerkules.
Ayon sa ulat ng pulisya, nabigo ang mga naarestong suspek na magpakita ng anumang authority o legal na dokumento para magsagawa ng online sabong.
Narekober sa kanila 142 na buhay na manok na pansabong, 106 na patay na manok, 156 gaffs, dalawang camera stands at dalawang TV monitor.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9287 o Illegal Gambling – Online Sabong.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang mga akusado para sa tamang disposisyon.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

