Nahulog isang puting SUV sa isang open creek sa kahabaan ng G. Araneta Avenue sa Quezon City 7:00 ng gabi nitong Sabado, Hulyo 4.
Tumaob ang sasakyan sa creek habang kasama pa ang driver sa loob nito.
Sugatan ang lalaking driver na isa umanong senior citizen. Agad naman siyang nasagip ng mga awtoridad at isinugod sa ospital para lapatan ng lunas.
Dumating na sa lugar ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang iahon ang nahulog na sasakyan gamit ang tow truck at asikasuhin ang daloy ng trapiko.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng insidente.
=====
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

