Ilang sasakyan ang natabunan ng putik habang nasira rin ang ilang ari-arian matapos ang pagguho ng lupa na dulot ng malakas na pag-ulan sa Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato noong Miyerkoles.
Lumubog din sa baha ang bahagi ng kalsada sa Purok Dam, dahilan upang hindi ito madaa¬nan at maipit ang mga motorista.
Ayon kay Barangay Kagawad Royce Pendatun, nagsimula ang malakas na buhos ng ulan bandang alas-2:00 ng tanghali na nagdulot ng mabilis na pagtaas ng tubig.
Rumagasa ang tubig mula sa mga dalisdis ng Mt. Matutum na nagdala ng putik, bato at iba pang debris papunta sa kalsada.
Posible umanong na¬ging marupok ang lupa dahil sa magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8.
Patuloy ang clearing operation upang alisin ang putik, mga bato, at iba pang debris na tumabon sa mga apektadong lugar.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France

