Ginulat ni Kris Aquino ang buong Dabarkads nang bumisita ito sa Eat Bulaga.
Habang nagla-live ang segment na Juan for All, All for Juan, inanunsyo ni Bimby Aquino—na isa sa mga guest co-host—na nasa audience ang kanyang ina.
Ani Bimby na tumatawa: “Medyo surprise ito, mga Dabarkads, but nandito ang nanay ko!”
Kumaway naman si Kris na todo ang ngiti.
Tila nakaramdam naman ng pressure si Bimby, being watched by his mom whose forte ay hosting.
Ilang sandali pa’y lumapit si Ryzza Mae Dizon kay Kris to show respect by hugging her.
Bumeso’t yumakap din si Kris, sabay sabing: “Mag-kiss ka sa future mother-in-law mo!”
Napahiyaw naman si Jose Manalo, maging ang mga nasa *EB* studio.
Sey pa ni Kris: “I love you. Doon sa nababalitaan kong nang-aapi sa iyo, don’t mind them because success is the best revenge!”
Dagdag pa ni Kris na impressed sa glow ni Ryzza Mae: “Ang laki ng iginanda mo. I think dahil may nagpapaganda sa iyo!”
Inamin din ni Kris na siya ang pumili ng outfit ni Bimby.
Nang makita niyang may “R” sa damit, agad niya itong binili, na ipinagpasalamat naman ni Ryzza Mae.
Makikitang pinupunasan ni Kris ang pinagpapawisang anak kahit nasa camera.
“Can I guest co-host next time?” hirit ni Kris.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog

