Tumaba lang, pero hindi buntis.
Ito ang ipinagdiinan ni Kim Molina sa gitna ng kumakalat na balitang nagdadalantao siya.
Siyempre, kung buntis man siya ay courtesy ‘yon ng kanyang asawang si Jerald Napoles.
Matatandaang ikinasal na ang dalawa nitong March 2026.
Ito’y makaraan ng sampung taon nang magkakilala sila sa Rkak of Aegis.
Dahil kasal na nga ay wala naman sigurong masama kung preggy na siya.
Bukod dito’y nasa hustong edad na naman ang komedyana.
“Eh, ano ngayon kung buntis ako?” May katarayang sabi ni Kim.
“Tumaba lang ako. ‘Yung ilong ko, pango pa rin kaya ‘yung nagkakalat na lalaki ang anak ko, ‘kaloka!
“‘Saka sadyang wala lang akong paki kung hindi man ako nag-aayos o wala akong make-up!
“Kaya please lang…’wag niyo pangunahan ang matris ko!” pakiusap ni Kim.
“Kung darating, let it come. If ever, talagang destined ako magbuntis.
“Ang worry ko lang kasi, baka maudlot!” sey ni Kim who’s admittedly looking forward to becoming a mom.
=====
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

