Sa isang interview, sinabi ni Albie Casiño na marami na siyang natutunan sa showbiz mula nang magsimula siya noong 2010.
Pinanday na rin daw siya ng mga naging karanasan niya sa inilagi niya sa local tinseltown kasama na ang mga kontrobersya niyang hinarap.
Isa na raw dito ay ang pagiging prangka o diretso pagdating sa pakikitungo sa mga tao.
Aniya, kapag daw trabaho o showbiz commitments ang usapan, ginagawa niya ito nang propesyonal basta napagkasunduan at may bayad.
Halimbawa raw sa singing engagements, gagawin o tatanggapin niya ito basta bayad siya.
Hindi rin daw siya mahilig sa fake na pakikisama.
Katunayan, willing daw siyang makipagplastikan kapag bayad siya.
Sa personal na level, mas gusto raw niyang maging totoo kaysa magkunwaring close sa mga taong hindi naman niya gusto.
Sa naturang tsikahan, inamin naman niya ang struggles ng pagkakaroon ng long distance relationship.
Aniya, mahirap daw ang ganitong set up lalo pa’t nasa ibang bansa ang ina ng kanyang anak na si Michelina.
Gayunpaman, wala raw kapalit ang ligayang nararamdaman niya mula nang maging ama siya kay Roman Andrew, supling niya sa afam na dyowa.
=====
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos

