It all started from stalking.
Inamin ni Ellen Adarna na bago sila naging close ni Isabel Santos ay ini-stalk muna niya ito nang bonggang-bongga.
Sa Instagram niya daw “minamanmanan” ang nobya ng ex niyang si John Lloyd Cruz.
Curious daw si Ellen dahil bilang ina, she wanted to know the background of her son Elias’ stepmother.
Si Elias ay ang anak nila ni JLC.
Understandable naman daw ‘yon dahil hinihiram ni JLC si Elias sa kanya, kasama si Isabel.
Then came their first meet-up at an art opening.
Magkasama daw sina JLC at Isabel na in-approach ni Ellen at bumati.
Nag-confess si Ellen sa pag-i-stalk kay Isabel–and what do you know: ganoon din pala si Isabel kay Ellen!
From then on ay nag-follow na sina Ellen at Isabel sa isa’t isa.
Sa ngayon, sobrang close ang “noon” at “ngayon” sa buhay ni Lloydie.
Sey nga ni Ellen of Isabel: “I love her Nakakatawa siya!”
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos

