Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang natanggap na impormasyong wala na umano sa maximum security prison sa New Bilibid Prison si dating Gen. Jovito Palparan.
Ayon kay Kabataan party-list Rep. Renee Co, nakakabahala ang impormasyon na hindi na nakakulong si Palparan sa Bilbid Prison kaya ipapatawag ng mga ito ang mga opisyal ang Bureau of Correction (BuCor) para pagpaliwanagin.
“Nag-file po tayo ng resolution para inbestigahan ang nakuhang information na ang dating militar na si Jovito Palparan na may disenyo ng pagpapaslang ng maraming mga individual noong panahon ni Pangulong Gloria Arroyo, wala na sa maximum security prison,” ani Co.
“So nasaan siya? Hindi po kundiyon dahil po may iilang mga kasong may conviction siya of murder. Hindi po yun, ano-ano lang, mabigat po yun at marami pong dugo ang nasa kamay niya laban sa kritiko gobyerno na nagpapahayag lang ng halilang pananaw na ang sinukli at kamatayan,” dagdag pa ni Co.
Si Palparan na tinaguriang “The Butcher” noong panahon ni Arroyo ay nasentensyahan ng hanggang 40 taong pagkakabilanggo September 2018 sa pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) na sina Sherlyn Cadapan at Karem Empeño noong 2006.
Gayunpaman, nakarating umano sa kaalaman ng mga progresibong mambabatas sa Kamara na wala na sa Bilibid si Palparan na labis nilang ikinabahala dahil hindi pa nito napagsisillbihan ang sentensya sa kanya.
“So ang atin, gusto natin inbestigahan etong mga to sa pinakagayat. Urgent matter ito, hindi na po kailangang maghintay ng pagsimula ng session,” ayon pa kay Co.
“Meron po tayong inpormasyon ng paglipat sa kanya at gusto nating makita kung ano pong basehan ito at ano pang impormasyon na maaaring maibahagi dahil mabigat po ang nangyayari,” dagdag pa ng mambabatas.

Share.