Nakatakdang magsampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong human trafficking laban kay dating Cong. Mike Defensor.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Miyerkoles, Hunyo 24, ihahain ang reklamo laban kay Defensor sa Pasig City Prosecutor’s Office sa Biyernes, Hunyo 26.
Kaugnay umano ito ng pag-raid ng ahensya sa isang KTV bar sa Pasig City noong Abril 21, kung saan 54 babae ang nasagip na umano’y biktima ng sex trafficking.
Nauna namang nagsampa ng mga kaso ang NBI laban sa asawa ni Defensor na si Julie Defensor at sa kanilang anak na si Miguel Gabriel Defensor kaugnay rin ng parehong insidente.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos

