Wala pang natatanggap ang Philippine National Police (PNP) na anumang warrant of arrest laban kay Senador Rodante Marcoleta.
Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Col Allen Rae Co sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, matapos ang sinabi ni Marcoleta na mayroon na umano siyang warrant of arrest sa reklamong plunder at indirect bribery na may kaugnayan sa campaign funds nito.
Pero sabi ni Co, sinisiguro niya na isasagawa ang implementasyon ng warrant of arrest sakaling matanggap na ito ng PNP.
Sa inilabas namang statement ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr., sinabi nito na wala siyang ipinapalabas na special operational directive laban sa Senador at hindi sila kumikilos base sa tsismis o hindi beripikadong impormasyon.
Una rito, sinabi ni Marcoleta na nakatanggap siya ng impormasyon tungkol sa posibleng paglabas ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay sa umano’y hindi pagsisiwalat ng P75 milyon na donasyon sa kampanya noong nakaraang halalan.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

