Matapos ang mahabang panahon ng pag-aabang, tila abot-langit ang ligaya ngayon ng Gonzaga family para sa pagdating ni “Baby Morada”.
Ibinahagi ng TV host na si Toni Gonzaga sa kanyang social media kamakailan ang ilang mga tagpo mula sa baby shower na kanyang inorganisa para sa kanyang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga.
Kabilang na rito ang matchy-matchy outfit nila ng kanyang bunsong si Baby Polly.
“Matchy-matchy for the baby we can’t wait to meet. Baby Shower Part 2 is out now!” sey niya.
Samantala, sa ipinost na video sa kanyang YouTube channel, ipinasilip ni Toni ang bonggang event na may temang “Baby Morada” na naganap noong June 7.
Cute na cute na blue and white na dekorasyon na pinaliligiran ng mga dambuhalang teddy bear na nakasuot pa ng uniporme ang makikita sa event.
Nakisaya sa espesyal na okasyon ng mag-asawang Alex at Mikee Morada sina Luis Manzano and Jessy Mendiola, Cong TV and Viy Cortez, Melai Cantiveros and Jason Francisco, at Bayani Agbayani.
Nagbigay rin ng message of support ang parents at mga kapatid ni Mikee gayundin ang ilang malalapit na kaibigan ng mag-asawang Morada.

Share.