Nagulantang ang ilang netizens matapos mapansin ang umano’y “baby bump” ni Sarah Geronimo sa kanyang latest Father’s Day post kasama ang amang si Tatay Delfin.
Sa ibinahaging larawan ng Popstar Royalty, makikita ang kanilang sweet shopping bonding sa isang clothing boutique kung saan ipinagdiwang nila ang espesyal na araw para sa mga ama.
Kasama rin nila ang alaga niyang aso na si Nina.
Dahil dito, hindi naiwasan ng ilang online users na magkomento at magtanong kung buntis nga ba ang singer-actress, matapos mapansin ang tila pagbabago sa kanyang pangangatawan sa ilang kuha.
Gayunpaman, marami ring fans ang dumepensa at nagsabing maaaring ilusyon lamang ito ng anggulo ng larawan, outfit, o lighting, at hindi dapat agad pinapaniwalaan ang mga haka-haka.
Matagal na ring napapabalitang “buntis” si Sarah sa tuwing may bagong photos siyang lumalabas online, ngunit wala namang anumang kumpirmasyon mula sa kanyang kampo tungkol dito.
Sa ngayon, mas pinagtutuunan ng pansin ng fans ang masayang bonding moment nila ni Tatay Delfin na muling nagbigay ng kilig at good vibes sa social media.
=====
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

