Inaresto ng mga elemento ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang dalawang aktibong pulis na wanted sa kasong rape at domestic abuse sa magkahiwalay na operation sa Quezon City at Davao del Norte nitong Sabado.
Ayon kay PNP Chief Jose Narttez Jr., ang naaretong pulis na may ranggong PMaster Sergeant na nakatalaga sa Police Security and Protection Group (PSPG) at isang Patrolman na nakatalaga sa Office of the Regional Police Records Management Division–Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Police Regional Office 11 (PRO-11).
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Nartatez Jr., isinagawang ang operasyon ng mga operatiba ng IMEG sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code na ipinalabas ng Taguig City Regional Trial Court Branch 267 isang Hotel sa Don Alejandro Roces, Quezon City.
Sa report, matagal nang mino-monitor ang mga nasabing pulis dahil sa pagkakasangkot sa mga ilegal na gawain, kabilang ang paggamit ng ilegal na droga. Natukalasan ng mga operatiba na mayroon umiiral na warrant of arrest laban sa nasabing pulis dahilan upang isinagawa ng operasyon. Walang piyansang inirekomenda ang korte.
Dinala ang nasabing pulis sa headquarter ng PNP IMEG sa Camp Crame sa Quezon City para sa dokumentasyon bago iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest.
Samantala, naaresto naman ng mga elemento ng IMEG ang isang Patrolman na nakatalaga sa Office of the Regional Police Records Management Division–Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Police Regional Office 11 (PRO-11) sa Sto Tomas, Davao del Norte.
Inaresto ang nasabing pulis sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabg sa paglabag sa Section 5(i) ng RA 9262 na may piyansang itinakda sa halagang P72,000, at paglabag sa Section 5(a) ng parehong batas na tumutukoy sa slight physical injuries, na may piyansang P6,000.
Nabatid na ipinagharap ng reklamo ang nasabing pulis ng kanyang asawa nang pananakit na nagdulot ng mental at emosyonal na paghihiarap ng biktima.
Nasa kustodiya na ang nasabing pulis ng Sto Tomas Municipal Police at nakatakdang iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest.
Kaalisabay nito, ipinag-utos ni Nartatez ang na simula na nararapat na mga kasong administratibo alinsunod sa umiiral na mga tuntunin at regulasyon ng PNP laban sa 2 nasabing pulis.
Inatasan din ni Nartatez ang IMEG na paigtingin ang pagmamanman sa mga pulis na nasasangkot sa mga gawaing kriminal, reklamo ng karahasang domestiko, at paggamit ng ilegal na droga.
Ang pagsasagawa ng mahigpit na beripikasyon ng mga rekord at koordinasyon sa mga lokal na unit ng pulisya upang matiyak na agad na matutukoy at maaaksyunan ang mga tauhang may nakabinbing kasong kriminal.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos

