Nakiramay rin ang showbiz industry sa trahedyang naganap sa team activity ng Ateneo Men’s Basketball Team sa Dipaculao, Aurora na ikinasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Dahil sa pag-viral ng insidente, mas maraming Pilipino ang nakilala ang kuwento ng buhay ni Rene—mula sa kanyang simpleng pinagmulan hanggang sa pagiging MVP sa Palarong Pambansa noong nakaraang taon.
Ayon sa mga netizen, maraming mahahalagang aral ang maaaring mapulot ng kabataan mula sa mga pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ni Rene.
Kung sakaling magkaroon ng biopic o TV drama anthology tungkol sa kanyang buhay, iisang pangalan ang madalas na binabanggit ng mga tagahanga bilang nais nilang gumanap sa papel ni Rene—si Donny Pangilinan.
Ayon sa kanila, malaki ang pagkakahawig ng aktor sa yumaong atleta dahil pareho silang matangkad at may husay sa basketball.
Naniniwala rin silang kayang mabigyang-hustisya ni Donny ang kuwento ni Rene dahil sa kanyang kakayahan sa pag-arte.
Bagama’t wala pang opisyal na plano para sa isang pelikula o serye tungkol kay Rene, umaasa ang maraming tagahanga na kung maisasakatuparan ito balang araw, si Donny ang mapipiling bumida bilang Rene Baterbonia.
Trending
- Norway, itinumba ang Iraq sa pagbabalik sa World Cup
- Anak ni Serena, nagbigay inspirasyon sa Wimbledon
- Pura Luka Vega, pinangunahan komunyon
- Jowa ni Enrique, ‘di pasok sa tipo ng pamilya Gil?
- Donny Pangilinan bet paganapin bilang Rene Baterbonia
- 3 dayuhan huli sa online gaming hub
- Mekaniko pisak sa kinukumpuning sasakyan
- Truck may dalang relief goods , nahulog sa bangin

