Arestado ang isang 37-anyos na babaeng tricycle driver matapos makumpiskahan ng tinatayang P1.02 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang operasyon sa loob ng umano’y drug den sa poblacion area ng lungsod nitong Biyernes.
Ayon kay Police Lt. Col. Garry Matagay, hepe ng Tuguegarao City Police, kinilala lamang ang suspek sa alyas na “Jean,” na naaresto ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 150 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa walong plastic sachet at isang bukas na sachet. Narekober din ang dalawang disassembled glass tubes na may drug residue at isang tooter na may hinihinalang likidong shabu.
Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang ilang kagamitan kabilang ang dalawang weighing scale, isang pouch, cellphone box, plastic container, at coin purse.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 laban sa kanya.
=======
Trending
- Norway, itinumba ang Iraq sa pagbabalik sa World Cup
- Anak ni Serena, nagbigay inspirasyon sa Wimbledon
- Pura Luka Vega, pinangunahan komunyon
- Jowa ni Enrique, ‘di pasok sa tipo ng pamilya Gil?
- Donny Pangilinan bet paganapin bilang Rene Baterbonia
- 3 dayuhan huli sa online gaming hub
- Mekaniko pisak sa kinukumpuning sasakyan
- Truck may dalang relief goods , nahulog sa bangin

