Nasira ang isang armored car ng Masis Security Agency matapos itong tumaob sa bahagi ng Buhangin Underpass sa Davao City nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 19.
Ayon sa ulat ng Davao City Police Office, patungo sana sa Ulas ang armored car nang mag-overtake ito sa isang motorsiklo.
Gayunman, hindi umano napansin ng drayber na may butas-butas na bahagi ng sementadong kalsada.
Dahil dito, lumihis ang sasakyan sa kabilang lane hanggang sa mawalan ng kontrol at tuluyang tumagilid at gumulong.
Dulot ng aksidente, nagtamo ng pinsala ang armored car ngunit wala namang naiulat na nasaktan o napinsala sa mga sakay nito.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang iba pang posibleng dahilan ng aksidente.
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM

