Maluha-luha si Alma Moreno nang maka-chikahan namin matapos ang premiere night ng pelikulang ‘Home Along Da Riles: Da Reunion’.
‘Yun nga kasi, bukod sa nakakatuwa talaga ang pelikula, na ang nagdirek ay si Boy 2 Quizon, marami rin talaga ang mga nakakaiyak na eksena.
At isa nga roon ay ang pag-appear ng Comedy King na si Dolphy, na nagbibigay mensahe sa kanyang mga anak sa pelikula.
Ano ang reaksiyon ni Ness nang makita niya si Dolphy na nagsasalita?
“Ano, umiyak talaga ako doon.Ramdam ko kasi ‘yung sinabi niya, lalo na `yung ‘magmahalan kayo’. At saka, ramdam ko kung gaano niya kamahal ang anak kong si Vandolph. Ramdam ko na nandiyan pa rin siya, na binabantayan niya si Vandolph.
“Na hanggang ngayon nakaalalay siya kay Dolphy. ‘Yun ang naramdaman ko.
“Ramdam ko kasi talaga na si Dolphy `yon, siya `yon, na mahal talaga niya ang mga anak niya.
“Ano ba ‘yan, nakakaiyak naman,” emotional na sabi ni Alma.
Siyempre, proud na proud nga si Alma sa performance ng anak niyang si Vandolph.
“Nakaka-proud talaga, kasi ‘yung bata na makulit lang noon, spoiled dati, pero ngayon, producer na rin, sila ni Boy 2. Sana mag-click talaga itong movie nila, panoorin talaga ng mga fans.
“Sobra akong proud sa kanya. As nanay talaga, nakita ko kung paano…nakikita ko si Dolphy sa kanya. Si Vandolph kasi mapagmahal, at kung paano rin siya sa trabaho, kung paano siya magpatawa.
“Si Vandolph, di ba, seryoso, tapos hihirit na nakakatawa. Ganun din kasi si Dolphy noon, di ba?” saad pa rin ni Alma.
Anyway, hindi lang naman si Alma ang umiyak, o mugto ang mga mata paglabas ng sinehan, dahil halos lahat talaga ay naluha sa eksena ni Dolphy.
Trending
- PH Blu Girls magsasanay sa Japan bago ang World Cup
- Salesman sa QC nag-uwi ng P5M sa Playoffs
- Alma Moreno todo iyak nang makita si Dolphy
- Pera ni Paulo Avelino sa esports company naglaho?
- Liza Soberano inaming nahi-hurt kapag tinatawag na ‘laos’
- Bangkay nadiskubre sa loob ng SUV
- 78 OFW applicants, nasagip sa illegal recruitment agency sa Makati
- Baldwin lumutang sa CIDG; Pagharap sa NBI ipinagpaliban

