Nilinaw na ni Katherine Luna ang isyu tungkol sa kanila ni Coco Martin at partner nitong si Julia Montes, matapos mabigyan ng kahulugan ang video na makikitang niyakap siya ng Primetime Action King sa isang event.
Ito ang video na pinost ni Katherine na ayon sa kanya ay kuha ng ibang present sa story conference ng lalabas na bagong serye nina Coco at Julia na “Sigabo”.
Sa kanyang IG vlog, ikinuwento ni Katherine na bago pa sila nagkita ni Coco, si Julia na ang unang nagpakita ng mainit na pag-welcome at pagtanggap sa kanya.
Ina-adress pa ni Katherine si Julia bilang “Miss” sa kanyang kuwento.
Magkahalong kaba at ilang ang naramdaman ni Katherine pagpasok pa lang niya sa venue.
Pero nawala lahat ng iyon matapos siyang salubungin, batiin at yakapin ni Julia.
Nagpasalamat pa raw si Julia sa kanya sa pagtanggap sa project.
Ibinida rin ni Katherine ang pagiging mabait at pag-asikaso sa kanya ni Julia sa taping kung saan ipinahiram daw nito ang gamit na electric fan.
Nakita raw ni Julia na basa ng pawis si Katherine kaya nagmagandang-loob ito sa kanyang electric fan.
Inabutan rin raw ni Julia ng tissue si Katherine para sa kanyang mga pawis.
Panay ang papuri at pasasalamat ni Katherine kay Julia sa pagiging mabait nito sa kanya, kaya madali siyang nakapag-adjust sa production.
Kaya pakiusap ni Katherine huwag bigyan ng isyu ang video dahil malaki ang utang na loob niya sa dalawa.
Nangako si Katherine na pagbubutihin nya ang kanyang trabaho.
Ito na raw ang katuparan ng kanyang pangarap na makabalik uli sa acting at kumita para sa kanyang mga anak.

Share.