Tinututukan ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang kaso ng pagkamatay ng dalawang student athelete ng Ateneo de Manila University noong June 8.

Pagtitiyak ng DOJ, kanila ring iimbestigahan ang pananagutan at responsibilidad ng mismong pamunuan ng unibersidad  sa pagkasawi ng Ateneo Blue Eagles player na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Binigyang-diin ni Justice Secretary Frederick Vida na ang paaralan ang pangalawang tahanan ng mga estudyante, obligasyon at responsibilidad nito na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ayon kay Vida, hindi lamang nakatuon ang imbestigasyon ng justice department sa head coach ng Ateneo basketball team at sa iba pang assiatnt coach kundi maging s a posibleng pagkukulang at kapabayaan ng unibersidad kaya sa pagpili ng lugar kung saan idinaos ang kanilang training.

Nanawagan din ang Kalihim sa publiko na iwasan ang pagiging judgemental kaugnay sa nasabing kaso. 

Share.