“Man up.” Ito ang panawagan ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Robert Morico II kay dating Ateneo men’s basketball head coach Tab Baldwin, kaugnay ng imbestigasyon sa pagkasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Sa isang press briefing nitong Miyerkoles, sinabi ni Morico na inaasahan nilang haharap si Baldwin at iba pang miyembro ng coaching staff sa Huwebes o Biyernes, kasunod ng muling pagpapadala ng subpoena.
Ang imbestigasyon ay kaugnay ng insidente noong Hunyo 8 sa Dipaculao, Aurora kung saan nalunod ang dalawang Ateneo basketball players sa isang team-building activity.
“Man up. Be man enough to face the investigation in the interest of justice and equity para doon sa dalawang player, which you call your brothers,” ani Morico nang hingan ng mensahe siya para kay Baldwin.
“If you’re talking about the battlecry of BEBOB [Blue Eagles, Band of Brothers], hindi ka tatalikod. Help us also. Help the family attain justice,” dagdag pa niya.
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM

