Tuluyang napinsala ang isang tulay sa bahagi ng Lumasal, Maasim matapos itong hagupitin ng rumaragasang tubig dulot ng malakas na pag-ulan nitong Biyernes ng hapon.
Ayon sa mga residente, hindi pa nila naranasan noon ang magkakasunod na kalamidad na tumama sa kanilang lugar.
Marami sa kanila ang nagpahayag ng pag-aalala at humihingi ng agarang tulong mula sa mga kinauukulan dahil sa epekto ng pagkasira ng tulay sa kanilang paglalakbay at kabuhayan.
Matatandaang niyanig ng malakas na lindol ang Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao noong Hunyo 8. Sinundan pa ito ng magnitude 5.3 na aftershock na naitala nitong umaga.
Pagsapit ng hapon, bumuhos naman ang malakas na ulan na nagdulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog at lalong nagpalala sa pinsala sa naturang tulay.
Patuloy namang minomonitor ng mga lokal na awtoridad ang sitwasyon habang isinasagawa ang pagsusuri sa lawak ng pinsala at ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader

