Ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operators ng Public Utility Vehicle (PUV) na may karampatang parusa ang pagkakaroon ng maruming unit.
Sa pahayag ng LTFRB nitong Sabado, Hunyo 13, ibinahaging bukod sa road worthiness, parte ng responsibilidad ng operators ang pagkakaroon ng kaaya-ayang PUV unit.
“Let me remind both operators and drivers that their authority to operate is not a right but a privilege that comes with a responsibility of maintaining not only road worthiness but presentability of each unit,” saad ni LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II.
Aniya pa, ang pagkakaroon ng maruming PUV ay hindi lamang paglabag sa regulasyon ng LTFRB, ngunit maituturing na ring pambabastos sa mga pasahero.
Dahil dito, saad ni Mendoza na kung hindi susunod sa babalang ito ang PUV operators, tatanggalan ng lisensiya ang mga ito upang makapag-operate.
“Operating untidy PUVs does not only violate our rules and regulations, it also disrespects the passengers. We will not allow this so they better comply or lose the authority to operate,” aniya pa.
Ang direktibang ito ay kasunod ng personal na pagko-commute ni Mendoza noong Huwebes, Hunyo 11, kung saan, naglabas siya ng show cause order (SCO) sa operator ng taxi sa Intramuros, Maynila, dahil sa paglabas kahit na marumi ang unit.
Sa nasabing SCO, ang operator ay inoobligang dalhin ang taxi unit sa LTFRB Central Office upang mainspeksyon sa Hunyo 15, habang ang hearing ay nakatakdang gawin sa Hunyo 30.
Sakaling hindi sumunod sa SCO ang operator, binanggit ng LTFRB na may multa itong P5,000.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

